Para sa manggagawa
Hawak mo ang oras mo. Sigurado ang kita mo.
Makakuha ng mga bagong job booking sa Quezon City para sa mga appliance tech, tubero, karpintero, electrician, at iba pang skilled pros.
- 100% libre sumali
- 0% commission
- Direct bayad mula sa client
Bakit magandang sumali sa KuyaYos?
-
0% commission. 100% sa’yo ang kita
Buo mong matatanggap ang labor fee mo. Ang platform fee ay sagot na ng client.
-
Direct client payment
Walang third party at walang delayed payouts. Diretso sa’yo ang bayad ng client pagkatapos ng trabaho via cash o GCash.
-
No-show protection (₱500 fee)
Protektado ang pamasahe at oras mo. May ₱500 cancellation fee para sa’yo kapag huling minuto nag-cancel ang client o hindi sumipot sa agreed time window.
-
Hawak mo ang oras at lugar
Ikaw ang pumipili kung kailan ka libre at aling mga barangay sa Quezon City ang gusto mong tanggapan ng gawa.
Paano magsimula?
Apat na hakbang mula application hanggang unang bayad.
-
Sagutan ang application form
Sagutan ang aming online form at sabihin ang iyong skills, lugar, at karanasan.
-
Review at verification
Susuriin ng KuyaYos team ang iyong details at requirements. Aabisuhan ka namin agad kapag may update.
-
Sumali sa Exclusive Verified KuyaYos Group
Kapag verified ka na, masasali ka sa aming KuyaYos group kung saan pino-post ang mga available job bookings.
-
Pumili ng job at kumita
Piliin ang job na tugma sa schedule mo, tapusin ang trabaho, at tanggapin agad ang bayad mula sa client!
Qualifications at requirements
Kailangan sa application
- Isang valid government ID lang (PhilSys, Driver’s License, UMID, Passport, etc.)
- Active mobile phone number (may Messenger at GCash)
NBI clearance
Kung meron ka nang updated NBI clearance, i-submit mo. Kung wala pa, pwede ka nang tumanggap ng jobs habang hinahabol mo ito.
Plus points (kung meron)
- TESDA / NC certification
Quality standard at rating policy
Upang mapanatili ang tiwala ng mga client, mahalaga ang magandang serbisyo. Ang mga tradesperson na makakatanggap ng paulit-ulit na bad feedback o hindi maayos na gawa ay pwedeng ma-shadowban o permanenteng matanggal sa KuyaYos group.
Force majeure (masamang panahon)
Para sa kaligtasan ng lahat, ang mga scheduled jobs ay pwedeng ma-cancel o ma-reschedule nang walang penalty kapag may bagyo, baha, o masamang panahon.
Ang buong operational terms ay nasa Terms & Conditions at Cancellation & Payment Policy. (Both in English.)
Frequently asked questions (FAQ)
May bayad ba ang pagrehistro sa KuyaYos?
Wala! 100% libre ang pag-apply at pagrehistro. Hiwalay na sumisingil ang KuyaYos ng maliit na fee sa client kaya buo mong matatanggap ang singil mo sa labor.
Paano ako babayaran sa bawat job?
Direct ang bayad sa’yo mula sa client via cash o GCash pagkatapos ng trabaho. Walang pumapasa sa third-party account.
Kailangan ba full-time ako sa KuyaYos?
Hindi! Pwedeng-pwede ito bilang sideline o extra source of income. Ikaw ang masusunod kung kailan ka available kumuha ng jobs sa KuyaYos group.
Kailan ko malalaman kung approved ang application ko?
Ima-message ka namin via text o Messenger kapag tapos na ang review.
Para sa iba pang tanong, message mo lang kami dito.
Handa ka na bang madagdagan ang iyong mga booking?
Sumali na sa network ng mga subok at pinagkakatiwalaang skilled pros sa Quezon City.